Pusong tanga

First and foremost i am sorry if you will be offended on my 2nd blog. if u feel hurt, mad, touch,annoy, then part of it is true.

There are some people na kapag nagmahal, TODO. Wala ng iniisip kung hindi sundin ang puso. Para wag na lang maramdaman yung pain, sige na nga patawarin mo na siya para masaya na ung puso mo pati buong ikaw. Kasi ang sakit-sakit, araw araw iyon na lng ung iniisip mo. Bakit ka nya patuloy na sinasaktan despite sa lhat ng pagpapatawad mo sa knya. Tapos syempre self pity ka, awang awa ka sa sarili. tapos masasabi mo na lahat na pinasikat na dialogue sa teleserye or movies. Andon yung – “bakit ako pa?” “Ang sakit sakit na!”” Hindi ko na kaya!” “Ni minsan hindi ko naramdaman ang pagmamahal mo”. “Kung mahal mo ako, hindi mo ko kayang saktan”! yan ang mga lines mo sa isip mo habang mag isa ka sa kwarto  with matching luha pa. Pero minsan naman kapag galit na galit ka, ah eto nman ang linya mo- “Babangon åkö at dudurugin ka!” , “Lintik lang ang walang ganti!” “hayop ka, hindi lng ikaw ang ang lalaki sa mundo!” Tapos kapag nag cooldown ka na, sabi nga ng matatanda kapag lumamig na ang sabaw, ah wala na…Iiyak ka na lng ng iiyak. hanggang sumuko na yang mata, wala na kasing lumalabas na luha.mag iisip ka na, inuutos na ng puso mo sa utak mo na patawarin mo na sya , mag kaayos na kayo, para masaya ka na, para hindi mo na maramdaman lahat ng ito.

Sobrang tanga ang puso. Hindi nya alam na habang patuloy mo syang pinapatawad, lalo ka lang masasaktan! Puso, please minsan makinig ka naman sa feelings mo. Konting respeto namn sa sarili mo. Sabi nga ng utak mo, kaya mo yan. Huwag mong hayaan kang saktan ng saktan. huwag mong hayaan na hanggang pag tanda mo, sinaksaktan ka nya. kasi pinasanay mo siya at alam nya kahit ano pang gawin nyang mali o kalokohan, handa mo siyang patawarin. Sabi nga ni Noli de Castro, “Hoy gising!”

Mypuso

Please bare with me, its my first time, i know i did my first blog and hit published, but unable to find it anymore. i hope i could retrieve it. the reason why mypuso is my username because its all about puso.

Lahat ng tao nasaktan na, physical man or emotional. pero ang mas masakit ung emotional. Sobrang sakit! hindi naman totoo ung parang kinurot ung puso mo sa sakit, ung totoo, SINAKMAL ung puso mo, ung bang buong kamay ung sumakmal sa puso mo. kasi buong puso mo naman ung nasaktan eh, hindi naman piraso lng ng puso mo ung nasaktan. ah totoö nmn ung nag durugo yung puso, kasi sa sobra sakmal ,nag dugo na sya.

Nagtataka nga ako kung bakit sinusundan ng utak natin ung puso natin. eh kaya nga nasa Top ung brain natin kasi sya ung nag lelead sa lahat. pero bakit kahit anong sabihin ng utak natin na tama na, tigilan mo na , sobra ka ng nasasaktan, hindi nakikinig ung puso. alam ko naririnig ni puso ung sinasabi ng utak. alam ko may tenga din ung puso, kasi kapag nakakarinig sya masakit, sakmal ung puso o hindi kaya kapag narinig nya ung I love you or mahal ka rin nun tao na mahal mo, hay naku ang bilis ng pintig ng puso mo. so naririnig nya. Pero ang hilig nyäng huwag makinig kay utak at ngbibingihan na sya. Bakit ganon? bakit kahit nagdurugo na ung puso mo sa sakit, ayaw nyang bumitiw?